Maraming mga bagong teknolohiya ang naimbento at nagbago sa pamumuhayng mga tao. Isa na dito ang Internet, at sa pagdaan ng panahon, nauso ang mga socialnetworking sites. Ang pangunahing mithiin ng mga websayt na ito ay angpakikipaghalubilo sa iyong mga kapamilya at kaibigan pati na rin sa ibang mga tao, nasa malapit man sila o malayo. asasabing ang mga social networking sites ang pinakadinarayo ng mgakabataan sa Internet dahil sa maraming salik na nakakapag-udyok sa mga ito.Dumarami ang mga kabataang sumasali sa mga social networking sites kung saan angFacebook.com, Twitter.com, at Tumblr.com and pinaka-popular.
Madali at libre angpaglahok sa mga websayt na ito, kung kaya naman ay maraming mga tao ang nahihikayat na sumali dito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social networkingbilang isang social trend na humahatak sa bawat mag-aaral na gumawa ng kani-kanilang sariling account.Hindi na lamang ang pakikipaghalubilo o pakikipagkaibigan ang nagagawa samga websayt na ito, nagiging paraan na rin ito para magbenta ng mga gamit,magpakalat ng adbokasiya at iba pa. Malaki na rin ang naging tulong nito sa pag-aaral ng mga estudyante. Dito nagpapalitan ng mga mensahe na may kinalaman sa pag-aaral ang mga estudyante.
Kung may kalakasan ang social media ay may kahinaan din ito. Ang kahinaan nito ay nagbibigay gulo sa mga kabataan sa mga salitang tagalog. Dahil nagbibigay ito ng mga bagong salita. Nanggaling ang mga salitang ito sa mga ibat-ibang uri ng tao katulad ng amerikano , jejemon atbp.