Nasasaad sa ulat ng IMMAP noong 2014, isa sa tatlong Pilipino ang gumagamit ng internet. Sa taong 2014, sinasabing mahigit 38 milyong Pilipino ang gumagamit ng internet at karamihan sa mga ito ay mga kabataan o may edad 30 pababa. Noong Setyembre 2014, mahigit 22 milyong Pinoy ang gumagamit ng kanilang Facebook mula sa kanilang mga smartphone. Pinapatunayan ng mga datos na ito na karamihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng social media at nagiging parte na ito ng kanilang pang-araw-araw na buhay.
Sa pag-unlad ng social media ay umusbong ang mga pidgin tulad ng “jejemon” at “bekimon”. Nawawala at naaalis ang mga tradisyunal na wikang Filipinong salita sa pag-usbong ng mga ganitong wika dahil nauuso ang mga “jejemon” at “bekimon” at nalalaos naman ang makalumang Filipino. Ayon kay Virgilio Almario, “Parang fashion lang ‘yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at sumunod sa uso, mamatay ito.”
Ang isyung nais bigyan ng pansin ng proponent ay ang pagkalimot ng ating makalumang Filipino dahil mas patok sa preference ng bagong henerasyon ngayon ang mga wikang “jejemon” at “bekimon”. Nais naming bigyang pansin at solusyon ang suliraning kinahaharap ng wikang Filipino na dala ng modernong panahon. Nais ng mga proponent na isabay ang wikang Filipino sa galaw ng panahon at preference ng mga bagong henerasyon.
Filipino Klasik: Ibida sa Modernong Panahon Nasasaad sa panimula na umuusbong ang mga modernong salita tulad ng “jejemon” at “bekimon” sa panahong kasalukuyan at nalalaos naman ang sinaunang salita o mga klasikong salita. Ang adbokasiyang Filipino Klasik: Ibida sa Modernong Panahon ay may layuning ipasok sa preference ng bagong henerasyon at modernong panahon ang mga klasikong Filipinong salita upang ito ay mas mapag-unlad pa.
Malaking porsyento sa populasyon ng mga Pilipino ang gumagamit ng social media. Sa paggamit nila ng social media ay naaapektuhan ang kanilang preference. Nauso pa ang mga “jejemon” at “bekimon” na naging dagok sa wikang Filipino dahil sa pagtangkilik ng maraming kabataan sa mga ito. Ang pahayag ni Virgilio Almario ang nagmulat sa mga proponent upang bigyang pansin ang suliraning nalalaos ang wikang Filipino sa pag-usbong ng mga modernong salita. Ang wikang Filipino ay sariling atin, hindi dapat ito nalalaos bagkus ay pinagyayaman at pinag-uunlad.
Ang pangunahing mithiin ng mga proponent ay pagyamanin at mapanatili sa modernong panahon ang mga sinaunang salita ng wikang Filipino. Nais ng adbokasiyang ito na maunawaan ng modernong henerasyon ang kahalagahan ng makalumang Filipino at isali ito sa kanilang preference upang patuloy itong gamitin sa kabila ng mga umuusbong na mga bagong salita tulad ng “jejemon” at “bekimon”. Naniniwala ang mga proponent na tatangkilikin ng mga modernong henerasyon ang wikang Pambansa.
Ang mga proponent ay naghanda ng mga layuning magiging daan upang makamit ang nakasaad na mithiin:
1. Mahikayat ang mga kabataan na gamitin ang sinaunang wikang pambansa sa pamamagitan ng social media.
2. Pagyamanin ang kaalaman ng bagong henerasyon sa wikang Filipino sa pamamagitan ng social media o blog bilang midyum upang mag-bigay araw-araw ng isang lumang salita na may buong detalye tulad ng depinisyon ng salita.
Ang konseptong papel na ito ay nagmimithing pagyamanin at mapanatili ang makalumang Filipino sa modernong panahon. Naglalayon itong gamitin ang social media bilang isang midyun sa pagpapalalim sa kaalaman ng bagong henerasyon sa wikang pambansa. Ito ang mga hakbang na isasagawa ng mga proponent upang maisakatuparan ang mga ito:
1. Gagawa ang mga proponent ng isang page sa social media kung saan sa pamamagitan ng nito ay mas madaling mapapalawak at maipapaalam sa nakararami ang aming page na ginawa.
2. Gamit ang page, magbibigay araw-araw ang mga proponent ng mga lumang salita na may kasamang depinisyon at ipopost ito sa nasabing page.
3. Magsasagawa ng isang online quiz bee o kaya online contest na patungkol sa mga lumang salita kung saan lahat ay maaring makilahok.
Ito ang isang halimbawa ng mga salitang ipopost ng nasabing page:
Matapos magawa ang mga hakbang na nakasaad sa konseptong papel na ito, inaasahan ng mga proponent ang mga sumusunod:
1. Mababawasan ang mga suliranin sa komunidad na dulot ng mga karatulang nakasulat noon sa wikang Ingles dahil mas madali ng maunawaan ang mga pahayag ng mga karatula.
2. Mas lalawak pa ang paggamit ng mga karatulang Filipino na nagsimula sa kani-kaniyang komunidad ng mga proponent dahil ito ay naging solusyon sa maliliit na suliraning kinakaharap ng komunidad.
3. Inaasahang susuportahan ang adbokasiyang ito ng iba pang mga grupong naghahangad ng pagbabago at kaunlaran ng wikang pambansa at ang kaayusan ng komunidad sa paraan ng paggamit ng makalumang wika.
3. Inaasahang susuportahan ang adbokasiyang ito ng iba pang mga grupong naghahangad ng pagbabago at kaunlaran ng wikang pambansa at ang kaayusan ng komunidad sa paraan ng paggamit ng makalumang wika.
Maaari bang malaman kung sino ang awtor nito?
TumugonBurahinPupwede po bang malaman ang author nito?..
TumugonBurahin